MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng walong male at walong female pintopplers ang 2018 Bowling World Cup national title sa Paeng's Eastwood Bowl at ang tiket para sa 54th international event sa Nobyembre 4-11 sa Sam's Town sa Las Vegas, Nevada.
Umabante sa men's national finals sina Merwin Tan (4881), Nicco Olaivar (4871), Kenneth Chua (4837, Kevin Cu (4770), Raoul Miranda (4741), RJ Bautista (4721), Eric Aranez (4702) at Anton Alcazaren (4676).
Bumandera naman sa women's division sina Liza del Rosario (3960), Dyan Coronacion (3831), Lara Posadas (3821), Alexis Sy (3732), Abbie Gan (3665), Pure Anselmo (3655), Mades Arles (3608) at Rochelle Munsayac (3583).
Sasabak ang men at ladies sa isang round-robin format at magpoposisyunan sa 8th game kung saan ang mananalo ang makakakuha ng 30 points at 15 points para sa tie.
Ang lahat ng semifinal at final matches ay lalaruin sa best of three games kung saan ang top finisher ang haharap sa No. 3 at ang No. 2 laban sa No. 4 sa semis.
Ang dalawang mananaig ang maglalaban para sa national title at ang pagkatawan sa Pilipinas sa BWC international tournament.
Hindi nakasali si Filipino star Krizziah Tabora, umangkin sa international ladies' crown noong nakaraang taon, dahil sa kanyang medical leave.
Apat na beses nang naging World Cup champion si Paeng Nepomuceno habang may tig-isang korona sina Lita dela Rosa, Bong Coo at CJ Suarez.