^

PSN Palaro

PH Sepak team handa nang idepensa ang world title

Pilipino Star Ngayon
PH Sepak team handa nang idepensa ang world title
Nag-pose ang miyembro ng Philippine Sepak Takraw team makaraan ang sendoff na ini-host ng Go For Gold top executive na si Jeremy Go (ikalima sa ikalawang hanay mula sa kaliwa) kamakailan sa Vikings Mall of Asia.

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang mga Pinoy athletes na mapa­panatiling suot ang doubles crown sa premier division ng 33rd King’s Cup World Sepak Takraw Championships na sisipa ngayon sa Nakhon Rachasima, Thailand.

Bukod sa hangaring maidepensa ang titulo sa men’s category,  lalaban din ang Team Philippines para sa gold medals sa hoop, regu quadrant at regu team events.

“We wish the Philippine sepak takraw team the best of luck. We’re confident that they are capable of replica­ting the achievement,” wika ni Go For Gold top executive Jeremy Go sa send-off ng koponan sa Vikings sa Mall of Asia.

Ang tropa ay babanderahan nina Rheyjey Ortouste, Ronsited Gaba­yeron at Emmanuel Escote kasama sina Joshua Gleen Bullo, Alvin Pangan, John Carlo Lee at John John Bobier.

Kakampanya rin para sa grupo na suportado ng Go For Gold at Philippine Sports Commission sina John Jeffrey Morcillos, J­oeart Jumawan, Nestleer Bandivas, Christian George Encabo at Regie Reznan Pabriga.

Ang women’s team ay binubuo naman nina Mary Melody Taming, Abegail Sinogbuhan, Gelyn Evora, Josefina Maat, Jean Marie Sucalit, Jea Mae Pepito, Jocielle Fernandez, Aisa Sabellita, Allyssa Bandoy at Lhaina Lheil Mangubat.

 Noong 2016 edition sa Thailand ay nag-uwi ang mga Pinoy ng dalawang silver medals sa team regu at hoop at isang bronze sa regu.

PHILIPPINE SEPAK TAKRAW

PINOY ATHLETES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with