Cagers lusot sa Patriots

Muntik ng masayang ang 31 puntos na abante ng Cagers sa ikatlong yugto mabuti na lang naagapan ito nina Koga at Valenzuela para manatili ang Muntinlupa bilang tanging koponan sa 26-team home and away league na walang talo.
File

MANILA, Philippines — Umiskor si Ryusei Koga ng triple habang si Ivan Valenzuela ay tumipak ng dalawang free throws sa krusyal stretch para iangat ang Muntinlupa Cagers sa 77-76 panalo kontra sa Parañaque Patriots sa 2018 MPBL Datu Cup noong Huwebes ng gabi sa Imus City Sports Complex.

Muntik ng masayang ang 31 puntos na abante ng  Cagers sa ikatlong yugto mabuti na lang naagapan ito nina Koga at Valenzuela para manatili ang Muntinlupa bilang tanging koponan sa 26-team home and away league na walang talo.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Imus Bandera laban sa Pampanga Lan­terns, 88-76 upang uma­ngat sa sosyohan sa ikalawang puwesto kasama ang Davao Occidental Tigers sa parehong 5-3 win-loss kartada sa Southern Division. 

Show comments