^

PSN Palaro

Lariba!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
Lariba!
Pumanaw na si Ian Lariba, ang babaeng table tennis player na lumaro para sa Pilipinas noong 2016 Rio Olympics.

Pumanaw na si Ian Lariba, ang babaeng table tennis player na lumaro para sa Pilipinas noong 2016 Rio Olympics.

Namaalam si Yanyan sa edad na 23.

Batang-bata.

Pinalad akong makilala si Yanyan sa matagal na pamamalagi ng Philippine team sa Rio de Janeiro, Brazil para sa Olympics.

Mahigit isang buwan kami doon.

Masayang kasama. Masayahin pero mahiyain.

Magaling na player. Dalawang beses nag-MVP sa UAAP kung saan sa buong paglalaro niya para sa La Salle ay walang tumalo.

 Sayang dahil kung hindi siya tinamaan ng leukemia ay malayo pa sana ang mararating niya.

 Matapos ang Olympics, pinangarap niyang lu­maro sa 2017 SEA Games o kaya ay sa 2018  Asian Games. Pero hindi niya ito nakamit.

Nung May 2017,  nala­man niyang may malubha siyang sakit. Leukemia na tipong cancer na rin na apektado ang dugo.

Lumaban si Yanyan ng husto.

 At sa kanyang pakikipaglaban ay tila siya pa ang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanyang mga mahal sa buhay.

Pangiti-ngiti kahit alam mo na nahihirapan.

Ganyan kasi si Yanyan.

 Pumanaw si Yanyan nung Linggo.

Rest in peace, Yanyan.

vuukle comment

IAN LARIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with