^

PSN Palaro

Muntinlupa pinigil ang San Juan

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Muntinlupa pinigil ang San Juan
Binura ng Cagers ang mahigit 20-point deficit, 27-47 tungo sa pagsungkit sa kanilang pang-anim na sunod na panalo at ipatikim sa Knights ang unang talo sa anim na laro.
File Photo

Laro Bukas  (Alonte Sports Center, Biñan, Laguna)

7 p.m. Pampanga vs Davao Occ.

9 p.m.  Laguna vs Parañaque

MANILA, Philippines — Nagwagi ang Muntinlupa Cagers laban sa San Juan Knights, 77-71 para maging tanging koponan na wala pang talo sa 26-team  2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup noong Miyerkules ng gabi sa Mun­tinlupa City Sports Center.

Binura ng Cagers ang mahigit 20-point deficit, 27-47  tungo sa pagsungkit sa kanilang pang-anim na sunod na panalo at ipatikim sa Knights ang unang talo sa anim na laro.

Matapos maiwanan ng 14 puntos, 25-39 sa first half, nagtulung-tulong sina Chito Jaime at Allan Mangahas sa 28-16 rally sa ikatlong yugto upang maibaba sa dalawang puntos na lang ang agwat, 53-55 tungo sa payoff period.

Tumapos si Mangahas ng 21 puntos, apat na rebounds at limang assists habang umani si  Jaime ng 17 puntos, pitong rebounds, tatlong steals at isang assist para manatili sa solo liderato sa Southern Division sa 6-0 kartada habang ang Knights ay nakisosyo sa top spot kasama ang Bataan Risers at Manila Stars sa parehong 5-1 card sa Northern Division.

Tumulong din ng 15 puntos si Dave Moralde na may kasamang anim na rebounds at tatlong assists para sa Cagers.

Pina­ngunahan naman ni Larry Rodriguez ang Knights sa kanyang 14 puntos at pitong rebounds at 13 puntos na may kasamang anim na rebounds mula kay John Wilson.

Sa iba pang laro, inilampaso rin ng Imus Bandera ang Valenzuela Classics, 81-71 upang masungkit ang ikatlong panalo sa anim na laro.

Ang Classics ay bumaba sa 2-3 win-loss record.

2018 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with