Pagulayan laglag uli kay Boening

MANILA, Philippines — Muling nagkasya sa runner-up honors si dating world champion Alex Pagulayan sa pagkakataong ito sa 10-Ball event ng  2018 US Open Championship na ginanap sa Griff’s Activity Center sa Las Vegas, Nevada.

Sa ikalawang sunod na pagkakataon, yumuko si Pagulayan kay American cue master Shane Van Boening sa championship round sa iskor na 2-9.

Gayunpaman, naka­pagbulsa pa rin si Pagula­yan ng $7,000 konsolasyon habang naibulsa ni Van Boening ang tumataginting na $10,000 premyo.

Ito ang ikalawang torneo na pinataob ni Van Boening si Pagulayan sa finals.

Naitala ni Van Boening ang 10-3 panalo kontra sa Filipino-Canadian bet para sa korona sa US Open 8-Ball event.  

Show comments