Cignal HD, F2 Logistics didiretso sa semis

Paboritong magwagi ang Cignal HD Spikers laban sa Cocolife Asset Managers (1-2) sa alas-4 ng hapon habang inaasahan ang mainit na engkuwentro ng Cargo Movers at 2018 Grand Prix champion Petron Blaze Spikers sa alas-6 ng gabi.
https://www.facebook.com/CIGNALHDSPIKERSOFFICIAL

MANILA, Philippines — Haharapin ng nagdedepensang Cignal HD ang Cocolife habang magtatagpo naman ang magkaribal na F2 Logistics at Petron Blaze sa huling araw ng preliminary round sa pagpapatuloy ng  2018  Philippine Superliga Invitational Conference sa Muntinlupa City Sports Center.

Paboritong magwagi ang Cignal HD Spikers laban sa Cocolife Asset Managers (1-2) sa alas-4 ng hapon habang inaasahan ang mainit na engkuwentro  ng Cargo Movers at  2018 Grand Prix champion Petron Blaze Spikers sa alas-6 ng gabi.

Kapwa asam ng Pool B  leader Cignal HD (3-0) at Pool A leader F2 Logistics (3-0) ang importanteng pa­nalo upang masungkit ang dalawang magkahiwalay na outright semifinal berth.

Mangunguna sa kampanya ng F2 Logistics sina  Aby Maraño, Ara Galang, Kim Fajardo, Des Cheng, Majoy Baron, Kim Dy at top libero Dawn Macandili na galing lamang sa kanilang magaang na 25-13, 25-22, 25-16 panalo laban sa UP-UAI Lady Fighting Maroons noong Huwebes.

Show comments