Parker tumawid na sa Hornets
SAN ANTONIO -- Matapos ang 17 season ay nagdesisyon si Tony Parker na iwan ang Spurs para lumipat sa Charlotte Hornets.
Lalagda ang 36-anyos na point guard sa Hornets para sa isang two-year, $10-million contract.
Bago nakipagkasundo sa Charlotte ay ikinunsidera muna ni Parker ang mga alok sa kanya ng San Antonio at Denver Nuggets.
Si Parker ay bahagi ng apat na NBA championships ng Spurs simula noong 2003 kasama sina guard Manu Ginobili at ang retirado nang si forward Tim Duncan .
Hinirang siyang NBA MVP noong 2007 NBA Finals at isang six-time All-Star.
Nagtala si Parker ng mga averages na 7.7 points at 3.5 assists sa 55 games para sa Spurs sa nakaraang season at naisuko ang kanyang starting spot kay Dejounte Murray.
Ang paglipat ni Parker sa Charlotte ang muling magsasama sa kanila ni head coach James Borrego, nagsilbing assistant coach ni Popovich sa San Antonio noong 2003 hanggang 2010 at 2015 hanggang 2018.
Sa Hornets ay makakatuwang ni Parker si All-Star guard Kemba Walker sa backcourt.
- Latest