Amer hinugot ni Reyes laban sa Australia
MANILA, Philippines — Alam ni national head coach Chot Reyes na lubusang gagamitin ng Australia ang kanilang height advantage sa Gilas Pilipinas.
Para makaiskor sa labas ay hinugot ni Reyes si Meralco shooting guard Baser Amer kasama si Alaska defender Carl Bryan Cruz sa pagsagupa ng Nationals laban sa Boomers ngayong alas-7:30 ng gabi sa third window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
“With Australia’s size and power inside, we’ve got to be able to loosen up their interior defense with some great outside shooting,” sabi ni Reyes.
Pinalitan nina Amer at Cruz sa line-up sina Jio Jalalon at Allein Maliksi.
Muling babanderahan nina naturalized center Andray Blatche, four-time PBA MVP June Mar Fajardo, Jayson Castro, Terrence Romeo, Gabe Norwood at Calvin Abueva ang Nationals kasama sina Japeth Aguilar, Troy Rosario, Matthew Wright at RR Pogoy.
Magkasosyo sa liderato sa Group B ang Gilas Pilipinas at Australia sa magkatulad nilang 4-1 record.
Galing ang Nationals sa 93-71 pagdurog sa mga Taiwanese at nakalasap ang mga Boomers ng 78-79 kabiguan sa mga Japanese.
- Latest