Japan sinuwerte pa, pasok sa Last 16
Kahit talo sa Poland
VOLGOGRAD, Russia – Sa unang pagkakataon ay ipinatupad ang bagong tiebreaker sa group stage ng pinakamalaking soccer tournament at ang Japan ang nakinabang.
Bagama't natalo sa Poland, 0-1 ay umabante pa rin ang mga Japanese sa round of 16 match laban sa Belgium dahil sa natanggap na mas konting yellow cards kesa sa Senegal, nabigo sa Colombia, 0-1.
Nang malaman na nakaiskor ang Colombia kontra sa Senegal ay halos wala nang ginawa ang mga Japanese players laban sa Poland.
“My decision was to rely on the other match,” sabi ni Japan coach Akira Nishino. “I’m not too happy about this but ... I forced my players to do what I said. And we went through.”
Kapwa tinapos ng Japan at Senegal ang group phase na may magkatulad na 4 points at may parehong goal difference at dami ng naiskor na goals.
Ang Japan ay nabigyan ng apat na yellow cards sa kanilang tatlong group matches, samantalang may anim ang Senegal.
Sa Kaliningrad, ang second-half strike mula kay Adnan Januzaj ang nagbigay sa Belgium ng 1-0 panalo laban sa England para manguna sa Group G.
Parehong nakapasok sa last 16, lalabanan ng Belgium ang Japan habang makakatapat ng England ang Colombia sa knockout phase.
- Latest