^

PSN Palaro

Japan ginulantang ang mas paboritong Columbia sa 2018 World Cup

Pilipino Star Ngayon

SARANSK, Russia — Na­­gawa ng Japan ang hindi naisakatuparan ng ibang Asian team sa isang World Cup — ang talunin ang South American squad.

Umiskor ang Japan ng 2-1 panalo laban sa Co­lombia sa 2018 World Cup kahapon dito.

Ang krusyal na pagka­ka­mali ni Colombia midfiel­der Carlos Sanchez sa pag­sisimula ng laro ang nag­resulta sa red card at pe­nalty na nagbigay sa Ja­pan ng 1-0 bentahe.

Matapos ang tatlong mi­nuto ay muling napata­wan ng red card ang Colom­bia na siyang pinakamabilis na naitala sa World Cup history.

Sinupalpal ni Sanchez ang sipa ni Shinji Kagawa sa pamamagitan ng kanyang kanang braso na nag­re­sulta sa pagkakatalsik ni­­ya sa laro.

Nakaiskor ang Colombia, pinaglaro ang 10 pla­yers sa kabuuan ng laban, sa first half mula sa free kick ni Juan Quintero.

Ang Japan ang na­ging pinakahuling koponan na na­kagawa ng upset sa World Cup matapos ang Me­xico, Switzerland at Ice­land.

Bago ang torneo ay nag­palit ang Japan ng coa­ches dahil nabigo ang mga Asian teams na talunin ang South American opposition sa nakaraang 17 World Cup meetings.

“Normally you prepare a match to play 11 players against 11 and to lose one player in the first three mi­nutes — to lose such a cru­cial player — that’s not an easy thing,” ani Colombia coach Jose Pekerman.

ASIAN TEAM

WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with