^

PSN Palaro

Chan Sa Ginebra Na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Chan Sa Ginebra Na

MANILA, Philippines — Aminado si coach Tim Cone na malaki ang magi­ging kontribusyon ni ve­teran shooter Jeff Chan para sa Barangay Ginebra.

Matapos ang ilang buwan na pagpupursige ng Ginebra at Phoenix ay i­naprubahan kahapon ni PBA Commissioner Willie Marcial ang paghugot ng Gin Kings sa 34-anyos na si Chan mula sa Fuel Masters.

Bilang kapalit ay ibinigay ng Ginebra sa Phoenix ang kanilang first round pick para sa darating na 2018 PBA Rookie Draft.

“We’ve been targeting him for months now because we’ve always seen him as a guy who can lift us to a higher level,” sabi ng two-time PBA Grand Slam champion mentor sa 6-foot-2 na si Chan, maglalaro sa kanyang ikaapat na PBA team matapos kunin bilang No. 17 overall pick noong 2008 PBA Rookie Draft.

Nagposte ang 34-an­yos na si Chan ng mga a­verages na 11.5 points, 4.4 rebounds, 4.1 assists at 1.2 steals para sa Fuel Masters sa kasalukuyang  2018 PBA Commissioner’s Cup.

Maglalaro si Chan para sa Ginebra dalawang araw matapos kumamada ng 26 points sa 106-108 pagkatalo ng Phoenix laban sa Rain or Shine.

Lumakas ang pag-asa ng Gin Kings sa isa sa walong silya sa quarterfinal round ng mid-season conference matapos talunin ang Magnolia Hotshots, 104-84 paggiba sa kanilang ‘Manila Clasico’ noong Linggo.

Naniniwala naman si Phoenix coach Louie Alas na makakakuha sila ng magandang pick sa 2018 PBA Roo­kie Draft na inaasahang lalahukan nina Asean Basketball League standouts MVP Bobby Ray Parks Jr., Lawrence Domingo at Fil-Ame­rican playmaker Jason Brickman bukod pa kina NCAA MVP CJ Perez ng Lyceum Pirates at Robert Bo­lick ng San Beda Red Lions.

JEFF CHAN

TIM CONE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with