^

PSN Palaro

2 NBA player dagdag puwersa sa Australia vs Gilas Pilipinas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumpirmado nang maglalaro para sa Australia sina NBA players Matthew Dellavedova at Thon Maker sa darating na third window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Hulyo.

Dahil dito, iyak na lalong mahihirapan ang Gilas Pilipinas sa muling pagsagupa sa World No. 10 team na  Australia sa Hulyo 2 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Nauna nang tinalo ng Boomers ang Nationals, 68-84 sa second window noong Pebrero sa Melbourne, Australia.

Makakasama nina Dellavedova at Maker, naglalaro para sa Milwaukee Bucks sa NBA, sina Mitch Creek, Jason Cadee at Cameron Gliddon.

Ang 6-foot-4 at 27-anyos na point guard na si Dellavedova ay miyembro ng 2016 NBA champion team ng Cleveland Cavaliers  habang hinuhubog naman ng Bucks ang 7’1 at  21-anyos namang si Maker bilang susunod na Kevin Garnett.

Nagposte ang Australia ng malinis na 4-0 record kasunod ang Gilas Pilipinas (3-1) sa Asian Qualifiers.

Bago labanan ang Boomers ay sasagupain muna ng Nationals ang mga Taiwanese sa Hunyo 29 sa Chinese-Taipei.

Tinalo ng Gilas Pilipinas ang Taiwan, 90-83 sa first window noong Nobyembre sa Smart Araneta Coliseum.

MATTHEW DELLAVEDOVA

NBA PLAYERS

THON MAKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with