Blazers giniba ang Pirates

MANILA, Philippines — Pinataob ng College of St. Benilde ang Lyceum of the Philippines University, 92-68 upang masungkit ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa 12th FilOil Flying V Preseason Cup kahapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Limang manlalaro ng Blazers ang nagtala ng double digits sa pangunguna ni Senegalese big man Clement Leutcheu na may double-double na 19 points at 15 rebounds upang hatakin ang kanilang tropa sa 2-0 rekord sa Group B.

Nagdagdag naman si Yankee Haruna ng 14 puntos mula sa matikas na 6-of-7 field goal shooting habang nagrehistro sina Unique Naboa at Carlo Young ng tig-11 at 10 markers galing kay Justin Gutang.

Sa kabuuan, nagtala ang Blazers ng agresibong 57 shooting percentage.

Lamang din ang Benilde sa rebounds, 53-39 at assists, 19-10.

Patuloy na inaalat ang Pirates na lumasap ng ikaapat na sunod na talo. 

Sa juniors, pinatumba ng FEU ang Sacred Heart School-Ateneo de Cebu, 84-60 para sa 1-1 baraha. (CCo)

Show comments