MANILA, Philippines — Tatangkain ng nagdedepensang Ateneo at University of the Philippines na kaagad tapusin ang kani-kanilang laban sa Final Four sa UAAP Season 80 men's football tournament sa Rizal Memorial Stadium.
Lalabanan ng No. 2 Blue Eagles ang No. 3 University of Santo Tomas Tigers ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang pagsagupa ng No. 1 Fighting Maroons sa No. 4 De La Salle Green Archers sa alas-4.
Ang mananalo sa dalawang laro ang aabante sa one-game championship sa Mayo 3.
Sa likod ni reigning MVP Jarvey Gayoso, tinapos ng Ateneo ang elimination round bitbit ang 32 points.
Nagposte si Gayoso, anak ni dating PBA guard Jayvee Gayoso, ng league-best na 15 goals sa elims.