TAGBILARAN CITY , Philippines — Kinubra ni Melody Perez ng Central Visayas ang unang ginto nang kanyang dominahin ang 3,000 meters event ng seniors division ng Private Schools Athletic Association Sports Foundation, Inc. (PRISAA) National Games nitong Lunes sa Carlos P. Garcia Sports Complex oval dito.
Nagtala si Perez ng 11 minuto at 38.81 segundo para talunin sina Joy Motin ng CALABARZON, nagsumite ng 11:34.15 para sa silver habang nakuntento sa bronze si Rodelyn Onato ng Western Visayas sa (11:37.43).
Umagaw din ng eksena sina Kim Villaruz at Ara Rhaqbea Delotavo ng Western Visayas makaraang hablutin ang ginto sa girls youth division.
Gumuhit ng tiyempong 14 minuto at 47.91 segundo sa 3,000m si Villaruz para sa ginto habang inangkin ng kakamping si Marjorie Basea ang silver (14:15.00) at napunta kay Melanie Paderanga ng Northern Mindanao ang bronze (15:49.88).
Sa kabilang banda, namayani si Delotavo sa 100m hurdles sa oras na 16 minuto at 36.00 segundo na sinegundahan ng kakamping si Kyla Marie Almabis (16:66.00) at tumersera naman si Michaella Marcarejo ng Cagayan Valley (17:12.00).