16 ginto paglalabanan ngayon sa PRISAA

TAGBILARAN, Bohol , Philippines  — Sisimulan ngayon ang mainit na labanan sa 2018 National PRISAA  Athletics competition tampok ang 16 golds sa athletics kasabay ng ibang sports na lalaruin sa 17 venues sa Carlos P. Garcia Sports Complex.

Si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez ang panauhin pandangal kasama sina Governor Edgar Chatto at PRISAA president at dating Commissioner Fr. Vic Uy.

May kabuuan 6,330 atleta galing sa mahigit 600 private colleges and universities sa 17 regions ang kalahok sa torneo na may temang  “Sports: Transcending Barriers Through Unity and Camaraderie”.

Ang mga gintong paglalabanan sa Day 1 sa athletics javelin (girls, boys, men and women), 3,000m (girls and women), long jump (girls, boys, men and women), 100m hurdles (girls and women), 110m hurdles (boys and men), at 3,000m steeplechase (boys and men).

Hangad ng Central Visayas kasama ang host Bohol ang pang-anim na sunod titulo sa senior division makaraang matagumpay na maidepensa ang kanilang titulo sa 124-64-59 total medals  habang target naman ng  Western Visayas ang ikatlong sunod na korona  na huli nilang pinagwagian noong nakaraang taon sa Zambales.

Show comments