Scorpions, Revellers asam ang semis
MANILA, Philippines — Haharapin ng third seed Centro Escolar University ang sixth seed Zark’s Burger-Lyceum habang magtatagpo rin ang fourth seed Che’Lu Bar-SSC at ang Gamboa Coffee Mix-St. Clare ngayon sa pagsisimula ng quarterfinal round ng 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Pasig City Sports Center.
Tangan ng Scorpions ang twice-to-beat advantage bilang third seed sa pakikipagharap kontra sa Zark’s Burger sa alas-4 ng hapon habang dala rin ng Che’Lu Bar ang parehong twice-to-beat bentahe bilang fourth seed sa pakikipagtutuos sa Gamboa Coffee sa alas-2 ng hapon.
Pag-aagawan ng apat na quarterfinalists ang dalawang natitirang semifinal slots para sumama sa top seed Akari-Adamson Falcons at second seed Marinerong Pilipino Skippers sa best-of-three semis.
Hindi pa tiyak kung makakalaro na ang Congolese import na si Rob Ebondo ng Scorpions dahil sa kanyang back injury kaya malaking kawalan ito para sa tropa ni coach Yong Garcia.
“We are preparing for the game without Ebondo. It was really a missed opportunity for us not being able to take the number one spot. Sayang sana para we could have least one week rest and Rod has time to recover,” sabi ni Garcia ukol sa kanilang talo sa Batangas-EAC, 87-89 kaya bumagsak lamang sila sa ikatlong puwesto matapos ang elimination round.
- Latest