Pinoy archers 8 ginto ang target
MANILA, Philippines — Target ng Philippine national team ang walong gintong medalya sa 2018 Asia Archery Cup 2 na gaganapin simula bukas hanggang sa Miyerkules sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Sinabi ni World Archery Philippines (WAP) secretary-general Rosendo Sombrio na hindi pa nila masasabi sa ngayon kung ilang ginto ang kanilang makukuha sa nasabing kumpetisyon na pinakamalaki na ginawa sa bansa simula noong 2005 Southeast Asian Games.
“We can’t really predict as of now how many gold medals. But for sure, we can get as much as 6-8 medals in the competition,” sabi ni Sombrio sa press conference kahapon sa Orchids Hotel.
Ayon kay Sombrio, may kabuuang 13 countries kabilang na ang host Philippines ang sasabak sa Asian Cup 2 na isang world ranking competition matapos idaos ang Leg 1 sa Bangkok, Thailand noong nakaraang buwan.
Ang iba pang kumpirmadong kasali ay ang Australia, China, Hong Kong, South Korea, Malaysia, Saudi Arabia, Qatar, Mongolia, Thailand, Chinese-Tapei at India.
“There are at least a total of 113 participants vying for supremacy in the competition,” dagdag ni Sombrio.
Ayon kay Sombrio, ang hosting ng bansa sa three-leg Asia Cup ay kabilang na rin sa preparasyon sa hosting ng 30th Southeast Asian Games na gaganapin dito sa Pilipinas sa 2019.
Kasama sa national team sina Mark Javier na isang two-time Olympian, Florante Marton, Nicole Tagle, Karryle Hunggitan, Earl Benjamin Yap, Paul Marton de le Cruz, Amaya Paz-Cojuangco at Jennifer Chan.
- Latest