Vargas: Olympic body ang uunahin

MANILA, Philippines — Sa kanyang unang araw sa pag-upo bilang bagong presidente ng Ph­lippine Olympic Committee, agad umanong tututukan ni Ricky  P.  Vargas ang pag-aayos sa  Olympic body.

“There are many things that we will be discussing that needs immediate actions. We will make changes for the athletes.  Our victory  is for Philippine sports and to our sathletes.  As  chairman Rep. Abraham Tolentino said, reconciliation is very important at this point and  working with the PSC, re­conciling with all that this process has gone through,” ayon kay Vargas.

Sinabi pa ni Vargas na bibigyan din niya ng rekognisyon ang mahabang 13 taon na paglilingkod ni  Jose Cojuangco bilang pangulo ng POC.

“We are committed to the athletes. We are going to make it happen and set things right,” dagdag ni Vargas.

Ang 65-anyos na si Vargas, presidente ng A­lliances of Boxing Association of the Philippines (ABAP)  ay nahalal bilang pangulo ng POC sa isinagawang special election kung saan umani siya ng 24 boto laban sa 15 ni Cojuangco noong Biyernes sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.

Ang kanyang running mate na si Tagaytay Rep. Bambol Tolentino ng Philcycling ay nagwagi rin laban kay  Ting Ledesma ng table tennis, 23-15.

Si Vargas ay ika-10 presidente ng POC kasunod nina Ambrosio Padilla (1975-1976), Nerio Andolong (1977-1980), Julian Malonso (1980), Michael Keon (1981-1984), Jose Sering (1985-1992), Rene Cruz (1993-1996), Cristy Ramos (1987-1989), Celso Dayrit (1999-2004) at Jose Cojuangco (2005-2018).

Related video:

Show comments