^

PSN Palaro

Mabuhay ka MVP!

AMBETHABOL - Maribeth L. Santos - Pilipino Star Ngayon

Nagbunyi ang buong sambayanan nang ihayag ng FIBA Central Board na ang Philippines-Japan-Indonesia group ang tatayong host sa 2023 FIBA World Cup.

Sa totoo lang, kinilabutan ako sa tuwa nang malaman ko ito.

Finally! After four decades, balik sa Pilipinas ang prestihiyosong world meet.

Huling nag-host ang Pilipinas noong 1978 pa kaya naman tuwang-tuwa ang Pinoy fans sa magandang balitang inihatid ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan.

Gusto ni MVP na mag-iwan ng magandang me­morya ang kanyang pamamalakad sa mundo ng bas­ketbol.

Ngayon pa lang, marami na ang excited.

Biruin mo nga naman, darating sa Pilipinas ang pinakamalalakas na basketball stars sa mundo.

Lalaruin ang finals sa Philippine Arena.

Nakikini-kinita ko na ang punung-punong venue.

Mapapanood mo ng harapan ang laro ng star-studded USA team na magpaparada ng matitikas na NBA players.

Siyempre nandiyan din ang Spain, Argentina, Brazil, France, Serbia, Greece, Lithuania at iba pang malalakas na bansa.

Pero ang pinakamaganda rito, makasisiguro na ang Pilipinas, Japan at Indonesia ng slot sa 2023 FIBA World Cup dahil awtomatikong binibigyan ng puwesto ang host country.

Meaning, hindi na kailangan pang dumaan ang Gilas Pilipinas sa pahirapang qualifying tournament.

Kaya naman saludo ang lahat kay MVP at sa buong grupo na nagbuhos ng dugo’t pawis para makuha lang ang hosting rights.

Mabuhay ka MVP!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with