^

PSN Palaro

JRU magpapasolido sa 3rd spot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena)

2pm EAC vs JRU

4pm AU vs Letran

MANILA, Philippines — Apat na koponan ang magpapalakas ng tsansang makahirit ng tiket sa Final Four sa pagpapatuloy ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament nga­yong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Jose Rizal University at Emilio Aguinaldo College sa alas-2 kasunod ang duwelo ng Colegio de San Juan de Letran at Arellano University sa alas-4.

Matatag ang kapit ng Heavy Bombers sa No. 3 spot  tangan ang 7-4 rekord sa ilalim ng nangungunang Lyceum of the Philippines (12-0) at nagdedepensang San Beda College (11-1).

Nakatali naman sa ikaapat na puwesto ang Letran, EAC at San Sebastian College-Recoletos na may pare-parehong 5-6 baraha kabuntot ang Arellano at University of Perpetual Help System Dalta na may magkatulad na 4-7 rekord.

Parehong galing sa panalo ang Heavy Bombers at Generals.

Ginulantang ng Jose Rizal ang Letran sa pamamagitan ng 77-68 panalo noong Huwebes kaya’t mataas ang moral ng tropa sa pagkakataong ito.

Malaking sinasandalan ng Heavy Bombers ang matibay na depensa nito na siyang nagpapahirap sa kanilang mga nakakalaban.

“Our defense is our main offense. We are winning because of that,” pahayag ni Jose Rizal head coach Vergel Meneses.

Binuhay naman ng Generals ang kanilang pag-asa sa Final Four matapos itarak ang 85-72 panalo sa Mapua University.

Ngunit hawak ng Heavy Bombers ang 1-0 bentahe sa season na ito laban sa Generals.

Naitala ng Jose Rizal ang 77-48 demolisyon sa kanilang unang pagtatagpo sa first round.

Sa kabilang banda, pa­re­hong galing sa kabi­guan ang Letran at Arellano.

Kaya naman desidido ang dalawang tropa na makabalik sa porma upang manatili sa semis race.

Pinakamasakit ang ti­na­mong kabiguan ng Chiefs na nakahawak na sana sa 14 puntos na kala­mangan subalit unti-unti itong nalusaw sa huling bahagi ng fourth quarter para lasapin ang 92-94 pagyuko sa Pirates noong Biyernes.

Target ng Chiefs na makaresbak sa kanilang tinamong 75-82 pagkatalo sa Knights sa first round.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with