^

PSN Palaro

Jumbo jet

PRESSROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Isang jumbo jet ng Air Asia ang magdadala kay Manny Pacquiao sa Australia.

Sa June 24 daw ang lipad ni Pacquiao papuntang Brisbane kung saan haharapin niya ang challenger na si Jeff Horn sa Suncorp Stadium.

Kayang magsakay ng 350 katao ang eroplano ng Air Asia na sasakyan ni Pacquiao at ng kanyang team members, pamilya at kaibigan.

Ewan ko lang kung mapupuno ito pero sa kabutihan ni Pacquiao, isasakay din niya ang mga media na ko­kober ng kanyang laban sa July 2.

Hindi ito unang beses na gagamit si Pacquiao ng chartered plane papunta sa laban. Dahil chartered ang flight, exclusive ito para kay Pacquiao.

Ginawa na rin n’ya ito nung 2014 nang labanan niya si Chris Algieri. Mahigit 200 katao ang isinama ni Pacquiao sa flight na yun papuntang Macau at pabalik.

Sa GenSan daw ang takeoff at dun din ang balik.

Nung 2010, umarkila rin si Pacquiao ng isang eroplano para dalhin ang kanyang tropa mula Los Angeles papuntang Dallas, Texas para sa laban niya ay Antonio Margarito.

Ngayon, Air Asia ang kanyang sasakyan.

May kasunduan kasi si Pacquiao sa Air Asia, na pag-aari ng Malaysian na si Tony Fernandez at may Pinoy na kasosyo na si Congressman Mikee Romero, ang owner ng Golobal Port team sa PBA.

May ilang eroplano ang Air Asia na tadtad ng imahe ni Pacquiao. Maganda itong tingnan sa himpapawid.

Ready for takeoff ang Team Pacquiao.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
9 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with