^

PSN Palaro

Gulo sa Philta ‘di pa rin napa-plantsa

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na buwan bago ang 29th Southeast Asian Games ay wala pa ring naitatakdang petsa para sa eleksyon ng Philippine Lawn Tennis Association (Philta).

“Sorry, your guess is as good as mine,” sabi ni Interna­tional Olympic Committee (IOC) representative to the Philippines Frank Elizalde sa isang text message ukol sa Philta  elections na pamamahalaan ng Philippine Olym­pic  Committee.

Kasama ni Elizalde sa binuong komite ng POC para resolbahin ang problema sa tennis association si Atty. Charlie Ho.

“We’re looking at May,” wika ni Ho sa binubuong grupo ng komite na siyang magtatakda ng petsa ng eleksyon ng Philta.  “We’re still working on the availability of all members,” dagdag pa ni Ho.

Si businessman/sports Jean Henri Lhuillier, ang nagtataguyod sa kasalukuyan sa Philippine tennis, ang inaasahang papalit kay dating Philta president at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

Nakipag-usap si Lhuillier sa mga POC representatives kamakailan, ngunit hindi pa tiyak kung itutuloy ng tennis afficionado ang kanyang kandidatura.

Bumaba si Olivarez sa kanyang puwesto sa Philta matapos ang 2016 elections.

Nagdaos ang asosas­yon ng eleksyon noong Pebrero kung saan sinasabing nailuklok si longtime tennis chief Salvador Andrada.

Ang naturang proseso ay hindi sinipot ni Lhuillier kasama ang iba pang tennis stakeholders.

Sa pagbitaw ni Andrada sa kanyang puwesto ay pumasok naman sa eksena ang POC. 

FRANK ELIZALDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with