Seasports Festival lalarga na
MANILA, Philippines - Magsisimula na ngayong alas-otso ng umaga ang 2017 Manila Bay Seasports Festival na gaganapin sa harap ng Rajah Sulayman Park, bandang Baywalk sa Roxas Boulevard.
Tampok sa nasabing event ang stock at formulas races ng bancathon. Magiging highlight naman sa Linggo ang dragon boat competition na lalahukan ng mga member teams ng Philippine Dragon Boat Federation.
Ang dalawang araw na sportsfest ay magtatapos sa isang maningning na awards night at libreng live concert na pangungunahan nina Renz Verano at ng Go Girls.
Ang naturang sports festival ay inorganisa ng Manila Broadcasting Company, Star City at Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard at suporta mula sa EyeBerry, EO Optical at My Juiz.
- Latest