Dumaloy agad ang kuryente,Bolts naka-buwenamano
MANILA, Philippines - Matapos malimitahan sa 3 points sa first half ay nagpasabog si balik-import James White ng 30 markers sa second half.
Ngunit nalampasan ito ng Meralco sa fourth quarter sa likod nina Baser Amer, Jared Dillinger at Cliff Hodge para gibain ang Mahindra, 94-86 sa pagdribol ng 2017 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Umiskor si Amer ng 19 points, habang nag-ambag sina Hodge at Dillinger ng 9 at 8 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa unang panalo ng Bolts.
“Amer has really matured a lot,” sabi ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black, nakahugot ng 17 points kay 2016 PBA Rookie of the Year Chris Newsome.
Humakot naman si import Alex Stephenson ng 21 rebounds, 11 points at 3 shotblocks para sa kanyang debut game sa PBA.
Sinabi ni Black na hindi pa gaaanong nakakapag-adjust si Stephenson, naglaro sa NBA para sa LA Clippers at Memphis Grizzlies.
“We have to give Alex some time to get in shape and to be able to get those defensive rebounds,” ani Black sa kanilang reinforcement.
Tumipa si Amer ng three-point shot para sa 12-point lead, 42-30 ng Meralco sa huling minuto ng second period kasunod ang banked shot ni Dillinger para iwanan ang Mahindra, 44-30 sa natitirang apat na segundo ng first half.
Nakalapit naman ang Floodbuster sa 67-68 sa 9:12 minuto ng fourth quarter na sinundan ng inihulog na 10-0 bomba ng Bolts para sa kanilang 78-67 kalamangan sa 6:44 minuto ng laro.
Meralco 94 - Amer 19, Newsome 17, Stepheson 11, Caram 10, Hodge 9, Dillinger 8, Chua 8, Uyloan 6, Hugnatan 4, Nabong 2, Faundo 0, Daquioag 0.
Mahindra 86 - White 33, Mallari 21, Galanza 9, Celda 9, Arana 5, Salva 3, Ballesteros 2, Nimes 2, Deutchman 2, Paniamogan 0, Caperal 0, David 0, Revilla 0.
Quarterscores: 22-18; 44-33; 66-58; 94-86.
- Latest