Viloria wagikay Montoya
MANILA, Philippines - Bagama’t kinalawang dahil sa kakulangan ng laban ay nagawa pa rin ni dating WBC/IBF light flyweight at WBA/WBO flyweight champion Brian Viloria na talunin si Ruben (Hurricane) Montoya ng Mexico via unanimous eight-round decision sa Tokyo, Japan noong Huwebes.
Hindi pa handa ang 36-anyos na si Viloria para sa isang world title bid, ngunit ito ang daan na kukunin ng Fil-Am, sabi ng kanyang Los Angeles manager na si Gary Gittelsohn.
Sakaling makabalik sa kanyang pamatay na porma si Viloria ay posible niyang hamunin si WBA flyweight champion Kazuto Ioka.
Ang panalo kay Montoya ang nagtaas sa record ni Viloria sa 37-5 kasama rito ang 22 KOs.
Dala naman ni Ioka ang 21-1 (13 KOs) at inagaw ang WBA flyweight crown mula kay Juan Carlos Reveco ng Argentina via majority decision noong 2015.
- Latest