^

PSN Palaro

Lady Spikers, Lady Maroons hinataw ang ika-2 dikit na panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iginupo ng nagde­depensang De La Salle University at University of the Philippines ang kani-kanilang karibal kahapon upang ma­kisalo sa liderato ng UAAP women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Napigilan ng Lady Spi­kers ang paghahabol ng University of Santo Tomas sa fourth set para maiselyo ang 25-23, 16-25, 25-14, 25-22 panalo kung saan bumandera si Season 78 Finals MVP Kim Dy na nagtala ng 16 puntos.

Nagrehistro naman ng 14 puntos si Tin Tiamzon habang nagdagdag ng 10 markers si reigning Best Blocker Mary Joy Baron at walong puntos kasama ang 39 perfect sets ni Kim Fajardo sa panig ng La Salle.

Solido ang depensa ng Lady Spikers na naglatag ng 10 blocks kalakip pa ang 54 digs at 29 receptions.

Nakakuha rin ng 10 aces ang Taft-based squad.

Bumunot ang Tigre­sses ng tig-13 mula kina team captain Cherry Ann Rondina at EJ Laure su­balit naging mitsa ng tropa ang 32 errors na naitala nito.

Sa unang laro, pinagpawisan muna ng husto ang UP bago kubrahin ang 25-16, 26-24, 25-19 desis­yon laban sa University of the East upang manatiling malinis ang kanilang rekord sa dalawang laro.

Pumalo si Diana Carlos ng 15 attacks at tatlong aces samantalang nagsumite si Marian Buitre ng 12 kills, isang aces at isang block para pamunuan ang opensa ng Lady Maroons.

Nakalikom naman si playmaker Arielle Estranero ng 32 excellent sets.

“Hindi kami pwedeng matalo. Ibinigay namin ang best namin, hindi nawala ang communication namin sa loob ng court. Pero malayo pa ang season, tuluy-tuloy lang ang improvement lalo na sa maturity and composure especially sa mga games na close,” ani Estranero.

Sumalo ang La Salle at UP sa unahan ng stan­dings kasama ang National University hawak ang pare-parehong 2-0 baraha.

Lumasap naman ang Tigresses at Lady Warriors ng ikalawang sunod na kabiguan.

Sa men’s division, pinataob ng UP ang UE, 25-15, 25-21, 23-25, 25-16 upang samahan ang Ateneo de Manila University at Far Eastern University sa una­han ng standings hawak ang malinis na 2-0 marka.

Nangibabaw sina Alfred Valbuena at Gian San Pascual nang humataw ang mga ito ng tig-15 puntos samantalang nagdagdag ng 14 puntos si Wendel Miguel.

Sinakmal naman ng UST ang kanilang unang panalo matapos payukuin ang La Salle, 25-19, 22-25, 25-22, 18-25, 15-12.

Sumulong sa 1-1 ang Growling Tigers, habang parehong lumasap ng ikalawang kabiguan ang Green Archers at Red Warriors.

MARY JOY BARON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with