NEW YORK-- Alam ni Golden State Warriors coach Steve Kerr na bibigyan sila ng mabigat na laban ng Nets.
“It’s kind of what we expected,” wika ni Kerr. “I don’t know I expected to be down 16 at the half, but I knew that they would come out and give us a hell of a fight.”
Nagposte si Kevin Durant ng 26 points, 9 rebounds at 7 assists para pangunahan ang 117-101 panalo ng Golden State laban sa Brooklyn.
Nag-ambag si Klay Thompson ng 23 points para sa Warriors, binuksan ang kanilang three-game road trip kasama ang kanilang NBA Finals rematch ng Cavaliers sa Cleveland sa Araw ng Pasko.
Sa Los Angeles, sumandal ang Clippers sa kanilang bench para talunin ang San Antonio Spurs, 106-101 sa kabila ng pagkakaroon ng injury ni Chris Paul.
Kaagad nag-init ang Clippers sa three-point line kung saan sila nagsalpak ng limang triples sa first quarter, ngunit may hawak lamang na five-point lead.
Humataw si Paul sa second period para ilista ang 14-point lead bago ito naputol ng Spurs sa 12-point deficit, 57-45 sa halftime.
Nakadikit ang San Antonio sa limang puntos sa fourth quarter hanggang magtuwang sina Mo Speights at Jamal Crawford para saluhin ang naiwang trabaho ni Paul, dinala sa locker room bunga ng isang strained hamstring, para ibigay sa Los Angeles ang 105-91 bentahe sa huling 43 segundo.
Ganap na sinelyuhan ni Raymond Felton ang tagumpay ng Clippers matapos isalpak ang dalawang free throws.
Sa iba pang laro, tinalo ng Boston ang Indiana, 109-102; binigo ng New York ang Orlando, 106-95; at dinaig ng Miami ang Los Angeles Lakers, 115-107.