^

PSN Palaro

Brazilian soccer team ubos sa plane crash

Pilipino Star Ngayon

La Unión, Colombia - Hindi makapaniwala ang mga pamilya at kinatawan ng Chapecoense Real matapos ang pagbagsak ng eroplanong sinakyan ng Brazilian team sa isang bundok ng Colombia .

Kabuuang 71 ang na­matay, habang anim ang himalang nakaligtas.

“The pain is terrible. Just as we had made it, I will not say to the top, but to have national prominence, a tragedy like this happens,” sabi ni club vice-president Ivan Tozzo sa panayam ng Globo SporTV.

Pinamunuan nina foot­ball legends Pele at Maradona at mga bagong superstars na kagaya nina Lionel Messi at Cristiano Ronaldo ang pagbibigay ng tribute sa mga players ng Chapecoense Real, isang mahirap na koponan na unti-unti pa lamang sumisikat.

Mula sa pagiging ilalim ay nakapasok ang koponan sa finals ng Copa Sudamericana, ang ikalawang pinakamalaking club tournament sa South America.

Iniulat ng charter plane ng Bolivian company LAMIA ang pagkakaroon ng ‘electrical failures’ ng alas-10 ng gabi noong Lunes kasunod ang pagbagsak nito malapit sa pupunta­hang Medellin.

CHAPECOENSE REAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with