Speights iginiya ang Clippers laban sa Bulls

LOS ANGELES - Bu­mangon ang league-leading na Clippers sa pamamagitan ng 30 points sa fourth quarter para ba­likan ang Chicago Bulls, 102-95.

Ang panalo ng Clippers ang tumapos sa four-game winning streak ng Bulls.

Binanderahan ni Marreese Speights ang pagresbak ng Clippers para kunin ang kanilang ikalawang su­­nod na panalo at ika-12 sa kabuuang 14 laro.

Tumapos si Speights na may season-high 16 points, ang 11 dito ay kanyang inis­kor sa fourth period para sa Clippers.

Bumandera si Blake Griffin para sa Los Angeles sa kanyang 26 points at 13 re­bounds, habang nagtala si Chris Paul ng 19 points at 8 assists.

Nagsalpak si Dwyane Wade ng limang triples para sa kanyang 28 points sa pa­nig ng Chicago, nalasap ang kanilang pang-limang kabiguan sa 13 laro.

Nagdagdag si Jimmy But­ler ng 22 points kasunod ang 11 ni Taj Gibson at 10 ni Robin Lopez.

Sa Milwaukee, dumi­ret­so ang Golden State War­riors sa kanilang pang-pi­tong sunod na panalo ma­tapos magsalpak sina Kevin Durant, Klay Thompson at Stephen Curry ng pinagsamang 78 points sa 124-121 pagtakas sa Bucks.

Nagtala si Durant ng 33 points kasunod ang 25 ni  Thompson at 20 ni Curry pa­ra sa 11-2 record ng Warriors.

Pinamunuan naman ni Giannis Antetokounmpo ang Bucks sa kanyang 30 points.

Show comments