DALLAS--Sa pagkawala ng dalawang starters, umeksena si Harrison Barnes nang kanyang pagbidahan ang 86-75 panalo ng Mavericks sa likod ng kanyang career-high 34 puntos laban sa Milwaukee Bucks sa overtime.
Nagposte si Barnes, nilayasan ang Golden State para pumirma ng $94 million, four-year contract sa Dallas, ng hindi bababa sa 30 points ng dalawang beses sa season na ito na kanyang naitala sa Warriors, apat na taon na ang nakakaraan.
Sinimulan ni Barnes ang pagpapasiklab nang isalpak ang 20-foot jumper sa bungad ng overtime na nagbigay sa Mavs ng momentum kung saan nalimita ang Bucks, 12-1 at napuwersang magtapon ng limang bola.
Hindi nakalaro ang mga starters na sina Dirk Nowitzki (right Achilles soreness) at Deron Williams (left calf strain) na may mga injuries.
Sa iba pang resulta, niyanig ng Utah Jazz ang New York Knicks , 114-109; hiniya ng Denver Nuggets ang Boston Celtics, 123-107 at pinayuko ng Los Angeles Lakers ang Phoenix Suns, 119-108 at pinataob ng Sacramento Kings ang Toronto Raptors, 96-91.