Oconer bumida sa LBC qualifier

MANILA, Philippines – Dahil sa personal na dahilan ay hindi sumali si  two-time champion Santy Barnachea at nagdesisyong lu­mahok sa executive race.

Dahil dito ay dinomina ni dating runner-up George Oco­ner, Jr. ang una sa dalawang qualifying race ng LBC Ronda Pilipinas 2017 edition na pinakawalan sa Lighthouse at tinapos sa Forest View Park sa Subic Bay, Zambales kahapon.

Nagtala ang 24-anyos na si Oconer ng Scratch It/Go for Go Gold ng bilis na tatlong oras at 23.49 minuto para pangunahan ang 101-kilometer race laban sa da­ting kampeong si Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance na may 3:27:03.

Sumegunda si Morales kasunod sina Boots Ryan Cayubit, Ronald Lomotos, Lloyd Lucien Reynante, Ronnel Hualda, Marvin Tapic at Cris Joven ng Army pa­ra makasali sa main race, isang 15-stage event na pa­kakawalan sa Pebrero 4 hanggang sa March 4.

Show comments