Oconer bumida sa LBC qualifier
MANILA, Philippines – Dahil sa personal na dahilan ay hindi sumali si two-time champion Santy Barnachea at nagdesisyong lumahok sa executive race.
Dahil dito ay dinomina ni dating runner-up George Oconer, Jr. ang una sa dalawang qualifying race ng LBC Ronda Pilipinas 2017 edition na pinakawalan sa Lighthouse at tinapos sa Forest View Park sa Subic Bay, Zambales kahapon.
Nagtala ang 24-anyos na si Oconer ng Scratch It/Go for Go Gold ng bilis na tatlong oras at 23.49 minuto para pangunahan ang 101-kilometer race laban sa dating kampeong si Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance na may 3:27:03.
Sumegunda si Morales kasunod sina Boots Ryan Cayubit, Ronald Lomotos, Lloyd Lucien Reynante, Ronnel Hualda, Marvin Tapic at Cris Joven ng Army para makasali sa main race, isang 15-stage event na pakakawalan sa Pebrero 4 hanggang sa March 4.
- Latest