LAS VEGAS -Hindi makapaniwala si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. nang marinig ang sinabi ni ring announcer Michael Buffer.
“This is unbelievable,” wika ni Donaire. “We definitely won the fight. Losing this never crossed my mind. I controlled the second half of the fight. This is hard to believe.”
“I thought we controlled the fight,” dagdag pa nito.
Lumaban nang husto si Donaire, ngunit hindi ito sapat para makuha ang puntos ng mga hurado.
Isinuko ni Donaire ang kanyang suot na WBO super bantamweight crown kay Mexican-American Jessie Vargas matapos makalasap ng unanimous decision loss kahapon dito sa Thomas & Mack Center.
Nilapitan ni Magdaleno si Donaire sa loob ng ring matapos ang laban at nagyakapan ang dalawa.
“I have respect for you,” sabi ng 24-anyos na si Magdaleno sa 33-anyos na Filipino fighter.
Nabigo si Donaire na maikonekta ang kanyang left hook sa halos kalahati ng kanilang laban ni Magdaleno.
Kabaligtaran naman ito sa naipapasok na left straights at right hooks ni Magdaleno.
Sa rounds 10, 11 at 12 ay pinilit ni Donaire na maagaw ang panalo.