Carlos at Pedrosa nagkampeon sa Open singles ng Bingo Bonanza National Open Badminton

MANILA, Philippines – Kagaya ng inaasahan, di­nomina nina Bianca Carlos at Ros Pedrosa ang ka­­nilang mga dibisyon pa­ra hiranging kampeon sa Open singles ng P1.5 million Bingo Bonanza National Open Badminton Tournament kahapon sa SM Me­ga­mall.

Dinaig ni Carlos, ipinagpatuloy ang pagtatala ng straight-set victories kabilang ang 21-15, 21-10 pa­nalo laban kay Malvinne Ann Alcala sa semifinals, ang 2015 champion at top seed na si Sarah Joy Barredo, 21-13, 21-11, para sikwatin ang women’s singles crown.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Ateneo bet kontra kay Barredo ngayong taon matapos ang FDG Cup finals noong Hunyo.

Pinataob ni Ped­rosa, ang third-ranked mainstay ng PBA Smash Pilipinas, si unseeded Clarence Filart, 21-11, 21-14, para angkinin ang men’s singles title sa annual top-ranking tournament na iti­nataguyod ng Bingo Bonanza.

Sina Carlos at Pedrosa ay kapwa nagbulsa ng premyong tig-P100,000.

Umiskor naman sina Peter Magnaye at Indonesian Devi Permatasari ng 21-15, 21-19 panalo laban kina Ronel Estanislao at Ke­shya Hanadia ng Indo­nesia para kunin ang Open mixed doubles crown sa event na inorganisa ng Event­King Corp. katuwang ang official equipment na Victor at Smash Pilipinas.

Show comments