MANILA, Philippines – Tinapos ng Manuel Luis Quezon ang pamamayagpag ng St. Clare College-Caloocan matapos kunin ang 83-82 panalo sa 16th NAASCU men’s basketball tournament sa RTU gym sa Boni Ave., Mandaluyong City.
Nagtala si Christopher Bitoon ng 27 points para sa pagpigil ng Stallions sa pitong sunod na panalo ng Saints.
Ito ang ikaapat na panalo ng MLQU nina coach JR Manansala at manager Jomar Acuzar sa pitong laro.
Nagdagdag si Jaymark Mallari ng 15 points, habang may 10 markers si Reggie Ignacio at 8 si Ronnie Pangan para sa Quiapo-based team na suportado ng New San Jose Builders.
Umiskor naman si Irven Palencia ng 18 points sa panig ng St. Clare ni coach Jinino Manansala.
Nag-ambag sina Aris Dionisio at Rojay Santos ng 13 at 9 markers, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, tinalo naman ng Rizal Techmological University ang EARIST, 106-97, sa overtime.