^

PSN Palaro

Ramirez, 4 commissioners pinagre-resign

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbibitiw ng Malacañang ang lahat ng appointees ng nakaraan at kasalukuyang administrasyon kabilang na si Philippine Sports Commission chairman William Ramirez at ang apat na commissioners nito.

Natanggap ni Ramirez ang direktiba mula kay Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea.

Agad namang tutugon sa naturang pag-uutos si Ramirez at ang kanyang mga commissio­ners na sina Charles Maxey, PBA legend Ramon Fernandez, Arnold Agustin at Celia Kiram.

“We will comply,” pahayag ni Ramirez sa flag-raising ceremony sa Rizal Memorial Sports Complex kahapon.

Habang hinihintay ang magiging desisyon ng Ma­lacañang, mananatili muna si Ramirez at ang apat na commissioners sa tungkulin upang asikasuhin ang mga programa para sa mga atleta at ng ahensiya sa kabuuan.

Nakasalalay sa Malacañang kung tatanggapin nito ang resignation letter o tulu­yan nang aalisin ang limang opisyales sa kani-kanilang mga puwesto.

Magugunitang itinalaga si Ramirez sa PSC ilang araw matapos ang opisyal na pagsisimula ng termino ni  Pangulong Duterte noong Hunyo 30.

Ngunit natanggap lamang ng apat na commissioners ang appointment paper noong Agosto 20.

Nagsimula na ang consultative meeting ng PSC noong nakaraang linggo na dinaluhan ng iba’t ibang lider sa sports kabilang na si eight-division world boxing champion at Sen. Manny Pacquiao.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with