MANILA, Philippines - Ipagdiriwang ng Alaska Milk Day ang kahalagahan ng pagkakaroon ng proper nutrition at exercise sa pagdaraos ng Family Fun Run sa McKinley West, Taguig, SM City Naga, SM City Davao at SM Seaside Cebu sa June 11.
Sa pakikiisa sa annual World Milk Day, magsasagawa ang Alaska Milk ng isang fun run sa ganap na alas-5 ng umaga, isang milk toast sa alas-6, Zumba sessions sa alas-6:30 kasunod ang libreng almusal sa lahat ng mga partisipante.
Ang pagpapatala ay libre at para sa bawat partisipante ay magdo-donate ang Alaska ng Alaska products sa Children’s Hour.
Higit sa 5,000 runners ang nagpalista sa Metro Manila leg pa lamang.
Ang mga kategorya ay 3K (family), 3k at 5k (individuals) at 1K (6-8 year olds) na bibigyan ng libreng Disney and Marvel character theme freebies kasama ang finishers’ medals.
Para sa mga iba pang detalye, i-like ang Facebook page na https://www.facebook.com/WorldMilkDayPH. at para sa updates at announcements i-follow ang @AlaskaWorldMilkDay on Twitter and Instagram.