INDEPENDENCE, Ohio - Naramdaman na ni LeBron James ang bagsik ng ‘Splash Brothers’ para sa kanilang rematch sa NBA Finals.
Kapag nagsimulang kumonekta sina MVP Stephen Curry at trigger-happy Golden State teammate Klay Thompson ng mga 3-pointers mula sa 30 feet, mga contested jumpers laban sa mas matatangkad na players at sirain ang depensa ng kalaban, ang tanging magagawa mo lamang ay magdasal na magmintis sila.
“Some of those shots,” sabi ni James. “There’s nothing you can do about it,” dagdag pa ni James.
Sa paghahanda ng Cavaliers, ang lahat ng players ay walang injury kumpara noong nakaraang taon, laban sa 73-win Warriors sa NBA finals, alam nila ang tsansang mawakasan ang 52-year championship drought ng Cleveland.
Imposibleng maawat ang Warriors.
“They shoot the ball extremely well,” wika ni James bago bumiyahe ang Cavaliers sa California para sa Game 1 sa Huwebes (Biyernes sa Pilipinas).
Bagama’t hindi nila inaamin sa publiko, hinangad ng Cavs ang kanilang rematch sa Warriors matapos matalo noong nakaraang taon.
Mag-isang kumayod si James sa nasabing NBA Finals, habang hindi nakalaro si Kevin Love dahil sa kanyang left shoulder injury sa first round at nabasag ang kaliwang knee cap ni Kyrie Irving sa Game 1 ng finals. Ginawa ni James ang lahat para sa Cav-s matapos magtala ng mga averages na 35.8 points, 13.3 rebounds at 8.8 assists.
Ngunit hindi pa rin ito naging sapat para pigilin ang paghahari ng Warriors.