OAKLAND, California-- Ang halos half-court shot ni Stephen Curry na nagpanalo sa Golden state Warriors sa overtime sa Oklahoma City noong Pebrero ang nagpamalas sa kanyang record-shattering MVP season.
Ngayon, apat na panalo ang dapat makuha laban kay Kevin Durant at sa Thunder sa Western Conference finals, hangad ni Curry at ng Warriors na makalapit sa kanilang ikalawang sunod na NBA championship.
“It was a deep shot, and it was a huge shot - it was something I’ve never seen” sabi ni Durant sa naturang tres ni Curry. “But it wasn’t like it was a shot that went across the whole world.”
Tinalo ng Thunder ang Warriors sa rebounding sa 121-118 panalo ng Golden State noong Feb. 27.
“I have no clue,” pagtataka ni swingman Draymond Green sa naturang panalo ng Warriors. “That’s one of the craziest things I’ve ever seen. That’s not supposed to happen.”
Naipanalo ng Golden State ang lahat ng tatlo nilang laro ng Oklahoma City sa regular season patungo sa pagtatala ng record na 73-win season.
Ngunit ang paglimita kina Durant at Russell Westbrook ang magiging problemang muli ng Warriors.
“They’re an explosive team. They’re clicking right now and found a good recipe to beat a tough Spurs team,” ani Curry, nagsalpak ng record 402 3-pointers para sirain ang una niyang 286 mark sa nakaraang season. “That says a lot about how they’re playing right now.”
Kumpiyansa ang Warriors na hindi na iisipin ni Curry ang kanyang sprained right knee sa kanilang best-of-seven series ng Thunder.