Curry-less Warriors may alas na vs Blazers
Raptors-Heat semis showdown kasado na
OAKLAND, California – Mula sa opening tip, kaagad na humataw si Klay Thompson sa three-point line at nagsalpak pa sa labas ng teritoryo ni Stephen Curry.
Sa pag-upo ni Curry bunga ng isang sprained right knee, muling bumandera sina Draymond Green at Thompson para akayin ang Golden State Warriors sa 118-106 paggupo sa Portland Trail Blazers sa opener ng kanilang Western Conference semifinals series.
Umiskor si Thompson ng 37 points at nagtala si Green ng kanyang ikalawang career postseason triple-double sa tinapos na 23 points, 13 rebounds at 11 assists
Nagsalpak si Thompson ng pitong 3-pointers para maging unang player sa NBA history na kumonekta ng pitong tres sa tatlong sunod na playoff games.
Nagdagdag si Shaun Livingston ng 12 points at 6 assists para sa naiwang trabaho ni Curry.
Nakatakda ang Game 2 ng kanilang best-of-seven series sa Martes sa Oracle Arena.
Napatalsik naman sa laro sina Golden State reserve Anderson Varejao at Portland’s Gerald Henderson sa third quarter matapos matanggap ang kanilang ikalawang technical fouls.
Pinatid ni Varejao si Henderson matapos silang magbanggaan. Pinamunuan naman ni Damian Lillard ang Trail Blazers sa kanyang 30 points - ang 10 dito ay ay free throws.
Sa Toronto, nagpasabog si DeMar DeRozan ng 30 points para igiya ang Raptors sa 89-84 panalo sa Indiana Pacers sa Game 7 ng kanilang Eastern Conference first round series.
Lalabanan ng Raptors sa semifinals ang Miami Heat sa Game 1 sa Martes sa Toronto.
Sinibak ng Heat ang Charlotte Hornets, 106-73, sa kanilang sariling Game 7.
Lumamang ang Toronto ng 16 points sa 7:31 minuto ng laro bago nakadikit ang Indiana sa 3 points sa huling 2:35 minuto.
Nadepensahan ng Raptors ang Pacers na nagresulta sa dalawang free throws ni DeRozan sa nalalabing 6.5 segundo.
Kumamada naman si point guard Goran Dragic ng game-high 25 points para sa pagpasok ng Heat sa Eastern Conference semifinals.
Nagdagdag ng 16 points si Gerald Green, habang may 15 points si Luol Deng, 12 points si Dwyane Wade at 10 points, 12 rebounds at 5 blocks si Hassan Whiteside.
- Latest