Ibang klase talaga itong anak ni dating PBA star Benjie Paras na si Kobe.
Akalain mong nagpakitang gilas na naman sa kanyang paglalaro sa team niya sa Las Vegas.
Nagpakita ng kanyang mga kakaibang moves kasama ang pag-dunk sa harap ng kalaban tapos umiskor ng 43 points sa isang game nila.
Sa edad niyang 18, talaga namang mas malayo pa ang mararating ng batang Paras actually eto na nga e nagsisimula na.
Hindi naman nakakapagtaka na kabi-kabila ang gusto na mapasa-kanilang team si Kobe dahil sa husay nito sa pagba-basketball.
Sa tikas at galaw nitong batang ito malabong walang kumuhang team sa kanya.
Napakasuwerte ng UCLA na magiging team niya sa US NCAA. Sigurado naman kasi na lilikha ng ingay ang pangalang Paras sa nasabing liga.
Talaga naman it runs in the blood. Pero kadalasan mas maganda ang nagiging bunga. Well ‘di ko naman sinasabi na mas magaling si Kobe sa tatay niya, mas dumoble lang ang galing ng anak ni Benjie.
Kaya naman siguradong aabangan ang pangalang Paras sa US basketball.
‘Di na ko magtataka kung isang araw nasa NBA na rin ang batang ito na hindi malabong mangyari.
Kaya sa iyo Kobe, good job and goodluck.
Bigyan mo ng isang napakalaking karangalan ang ating bansa sa pagiging mahusay mong cager.
Sabi nga, like father like son.
Saludo ako sa inyong mag-ama.