Tap Dance dinomina ang 4-YO stakes race
MANILA, Philippines – Ipinakita ng Tap Dance ang kahusayan nang talunin ang tatlong karibal para pangunahan ang Philracom 4-Year-Old stakes race mula sa paggiya ni veteran Jonathan Hernandez sa Santa Ana Park sa Imus, Cavite noong Linggo.
Binili kamakailan ni sportsman-businessman Narciso Morales mula kay Sandy Javier, inagaw ng Tap Dance ang unahan mula sa Penrith sa far turn patungo sa panalo sa ikalawang pinakamalaking karera sa season.
Ang anak ng imported sire na Cowboy at Faster Rapper, nagsumite ang Tap Dance ng bilis na 1 minuto at 18.4 segundo sa maikling 1300-meter race at tumapos na limang dipa ang layo sa Fernando Racquel-ridden Manalig Ka.
Sumunod naman ang Hot and Spicy, ginabayan ni Rodeo Fernandez at Penrith, sinakyan ni Mark Alvarez, para sa ikaapat at ika-limang puwesto, ayon sa pagkakasunod.
Itinakbo ng Tap Dance ang bentahang P300,000-plus sa popular daily double betting.
Ang panalo ng Tap Dance ang nagbigay kay Morales, naglista ng 22 panalo noong Diyembre, ng premyong P300,000 para pamunuan ang money winnings sa hanay ng mga horseowners.
“A good horse. As long as he stays healthy, I’m confident Tap Dance is going to win more races,” ani Morales, ang stable ay kinabibilangan ng mga prominent runners na Spectrum, Hot Dog at Dikoridik Koridak.
Naglista si Morales, hinirang na Most Reputable Horseowner awardee ng Philracom noong 2014, ng 200 wins noong nakaraang taon para maging No. 1 sa victories at earnings sa ikalawang pagkakataon sa huling apat na taon.
Sa pagsisimula ng karera ay kaagad sumegunda ang Tap Dance sa Penrith bago humataw sa far turn.
- Latest