^

PSN Palaro

Huey-Klepac duo pinagbakasyon na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Namaalam na rin sa kontensiyon sina Filipino-American Treat Conrad Huey at Andreja Klepac ng Slovenia sa mixed doubles event ng 2016 Australian Open na ginaganap sa Melbourne.

Lumasap sina Huey at Klepac ng 4-6, 4-6 kabiguan sa kamay nina Coco Vandeweghe ng United States at Horia Tecau ng Romania sa semifinals na tumagal lamang ng 67 minuto.

Nakapagtala lamang ng 25 winners sina Huey at Klepac kumpara sa 36 nina Vandeweghe at Tecau. Nagbigay din sina Huey at Klepac ng walong unforced errors kasama ang dalawang double faults.

Makakaharap nina Vandeweghe at Tecau sa finals ang magwawagi sa pagitan ng pares nina Sania Mirza ng India at Ivan Dodig ng Croatia, at nina Elena Vesnina ng Russia at Bruno Soares ng Brazil.

Gayunpaman, nakasiguro sina Huey at Klepac ng $37,500 premyo sa pagpasok sa semis.

Sa men’s doubles, nag­bulsa sina Huey at Max Mirnyi ng Belarus ng $80,000 matapos umabot sa quarterfinal round.

Natalo sina Huey at Mirnyi laban kina Da­niel Nestor ng Canada at Radek Stepanek ng Czech Republic, 4-6, 4-6.

Pangungunahan ni Huey ang kampanya ng Pilipinas sa Davis Cup Asia-Oceania Group II tie laban sa Kuwait na gaganapin sa Marso 4 hanggang 6.

Layunin ng Pinoy Davis Cuppers na makabalik sa Group I sa susunod na taon.

Kung mananaig ang Pilipinas kontra Kuwait, haharapin nito ang magwawagi sa pagitan ng Chinese Taipei at Malaysia sa semis na idaraos naman sa Hulyo.

Nakasungkit si Huey ng gintong medalya sa mixed doubles ng 2015 Southeast Asian Games sa Singapore kung saan ka-partner nito si Filipino-American Denise Dy.

ACIRC

ANDREJA KLEPAC

AUSTRALIAN OPEN

BRUNO SOARES

CHINESE TAIPEI

COCO VANDEWEGHE

CZECH REPUBLIC

DAVIS CUP ASIA-OCEANIA GROUP

ELENA VESNINA

HUEY

KLEPAC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with