^

PSN Palaro

Arum: Pacquiao babalik kung...

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kung may posibilidad mang pumayag si Floyd Mayweather Jr. na muling labanan si Manny Pacquiao ay hindi na dapat magdalawang-isip si Manny Pacquiao na tanggapin ito.

Ito ang sinabi ni legen­dary promoter Bob Arum kay Pacquiao na nauna nang inihayag na isasabit ang kanyang boxing gloves matapos ang kanilang April 9 showdown ni Timothy Bradley para tutukan ang kanyang political career.

“If this is a great fight and Floyd comes out of retirement and they want to do a rematch, I don’t care how busy he (Pacquiao) is in the senate. I think he will return,” sabi ni Arum.

Nguit kailangan munang talunin ni Pacquiao si Bradley bago magkaroon ng posibilidad ang kanilang ikalawang “Fight of the Century” ni Mayweather.

Hangad ng two-term congressman ng Sarangani ang isa sa 12 senatorial slots sa eleksyon sa Mayo.

Base sa pinakahuling survey, malaki ang tsansa ni Pacquiao na manalo.

Nirerespeto naman ni Arum ang desisyon ni Pacquiao na magretiro ngunit kung mangyayari ang kanilang rematch ni Mayweather ay dapat huwag magdalawang-isip ang Filipino fighter.

“Even if he has to train on the floor of the senate,” dagdag pa ng legendary promoter.

Bago ipahayag ang kanyang planong magretiro ay sinabi na ni Pacquiao na interesado siyang muling labanan si Mayweather kapag siya ay “100 percent” fit.

Ayon kay Mayweather, hindi na ito mangyayari.

“As of right now, I don’t have the urge to fight,” wika ni Mayweather kay Brian Kenny ng World Boxing News.

Ngunit may posibilidad pang muling lumaban si Mayweather, ayon kay Arum.

“That’s why I didn’t want to sell this fight as his last fight. Who knows what Mayweather’s going to do?,” ani Arum.

ACIRC

ANG

BOB ARUM

BRIAN KENNY

FIGHT OF THE CENTURY

FLOYD MAYWEATHER JR.

MAYWEATHER

PACQUIAO

TIMOTHY BRADLEY

WORLD BOXING NEWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with