VANCOUVER – Habang naghahanda ang siyudad para sa isang weekend snowstorm, umalis si Manny Pacquiao ng New York noong Biyernes ng umaga para sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas matapos ang kanilang press tour ni American rival Timothy Bradley.
Umalis si Pacquiao ng Le Parker Meridien sa West 56th Street ng alas-7 ng umaga sa ilalim ng sub-zero temperature.
Sumakay siya ng itim na SUV na nagdala sa kanya sa JFK Airport.
Nakasama ng 37-anyos na boxing superstar ang kanyang grupo kasama ang asawang si Jinkee sa paglulan sa isang Philippine Airlines flight patungong Manila via Vancouver.
Mayroong forecast ng isang snowstorm sa New York, at ayaw ni Pacquiao na maipit.
Dahil sa winter storm ay halos 3,000 domestic flights sa East Coast ang kinansela noong Biyernes at 3,000 din noong Sabado.
“Kailangan makaalis na tayo rito,” wika ni Pacquiao bago umalis ng kanyang hotel sa New York.
Sa JFK Airport ay dinumog si Pacquiao ng kanyang mga fans at supporters na nagpakuha ng larawan at autographs.
“Go knock him (Bradley) out this time,” sabi ng isang foreign immigration official sa pagdaan ni Pacquiao.
Umupo si Pacquiao sa kanyang first class seat sa PR 127 at matapos ang one-hour layover ay muli siyang sumakay sa parehong eroplano para sa isang 13-hour flight patungong Manila at nakatakdang bumiyahe sa General Santos City.
Sinabi niyang hindi siya nakatulog sa four-hour flight sa Vancouver.
Sa kanyang pag-uwi ay ihahanda ni Pacquiao ang kanyang plano laban kay Bradley para sa isang eight-week training.
Ito ang ikatlong beses na paghaharap ng dalawa matapos noong 2012 at 2014 at magiging pinakahuling laban ni Pacquiao.
Nagdesisyon si Pacquiao na magsanay sa General Santos City.
“It will be the first or second week of February. Freddie Roach will arrive in the Philippines either on the 13th or 14th of February for the training,” sabi ni David Sisonhe.