^

PSN Palaro

Buwenamano sa Caida, UP QRS/Jam Liner

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Lunes (Ynares Sports Arena, Pasig)

2 p.m. CafeFrance vs Mindanao Aguilas

4 p.m. Phoenix Petroleum vs Wangs Basketball

 

MANILA, Philippines – Engrandeng sinimulan ng Caida ang kampanya nito matapos palugmukin ang Tanduay sa bisa ng 90-79 panalo kahapon sa pag-arangkada ng 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup sa The Arena sa San Juan City.

Nanguna si Jiovani Jalalon nang humakot ito ng 17 puntos kasama ang siyam na assists at limang rebounds habang tumulong sina Chris Javier at Billy Robles na may naitalang tig-16 para sa Tile Masters.

Umiskor si Ryan We­therell ng 21 puntos, walong rebounds at anim na assists samantalang may tig-11 sina Pari Llagas at Joseph Eriobu subalit hindi ito sapat upang dalhin ang Rhum Masters sa panalo.

Sa ikalawang laro, nalusutan ng University of the Philippines QRS/JAM Liner ang BDO-National University, 90-85, upang sumosyo sa maagang liderato.

Bumida para sa UP QRS/JAM Liner si Paul Desiderio na humakot ng 24 puntos katuwang si Raymond Aguilar na nag­lista ng 18 puntos tampok ang 3-of-3 shooting clip sa three-point area, kasama pa ang 13 rebounds.

Nakapag-ambag si Juneric Baloria ng 16 mar­kers at 11 galing naman kay Gelo Alolino.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BILLY ROBLES

CHRIS JAVIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

GELO ALOLINO

JIOVANI JALALON

JOSEPH ERIOBU

JUNERIC BALORIA

MINDANAO AGUILAS

NATIONAL UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with