Game 5
Umalma sa tawagan ng mga referees nung Lunes si Rain or Shine coach Yeng Guiao.
Buti na lang, paos at halos walang boses si coach. Kung hindi mas marami pang maaanghang na salita ang nabitawan niya sa harap ng mga reporters.
Baka mapa-trouble rin siya kay commissioner Chito Narvasa.
Natalo ang Rain or Shine sa San Miguel Beer. Nagkatambakan at natapos ang laro sa panig ng Beermen 105-92 para itabla ang kanilang best-of-seven semis 2-2.
Lamang ang Alaska kontra Globalport sa kabilang semis 3-1 at kung nanalo sina Calvin Abueva kagabi ay diretso na sila sa finals.
Itutuloy ngayong gabi ang labanang Rain or Shine at San Miguel.
Crucial ang Game 5.
Bakbakan ito.
Umaasa lang si coach Yeng na maging patas ang tawagan. Sa kanyang opinion ay na-dehado ang Rain or Shine sa tawagan.
Gusto niya ng “consistency” sa tawagan.
Ayon kay coach Yeng, hindi patas ang mga referee dahil mahigpit daw ang mga ito sa Rain or Shine kung nagiging pisikal ang laro nila.
At sa San Miguel, malambot ang mga tawag.
“We can’t play physical but they can play physical on us,” sabi ni coach Yeng.
“I want consistency with the calls,” sabi pa niya na papaos-paos.
Ang paniwala ni coach, kaya nilang talunin ang San Miguel sa series na ito pero kung ganun nga raw ang tawagan ay “walang tatalo sa kanila.”
Sabi pa ni coach na sobra raw ang “alaga” ng mga referees kay June Mar Fajardo.
Umalma ang ibang San Miguel fans sa mga paratang ni coach Yeng.
Game 5 mamayang gabi.
Kayo ang humatol.
- Latest