^

PSN Palaro

4 tiket sa Rio Games puntirya ng Pinoy jins

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki at dalawang babae ang gustong ipadala ng PhilippineTaek­wondo Association (PTA) sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

At sa pamamagitan ng pamamahala sa Asian Olympic Qualification Tournament sa Abril 19-20 ay inaasahang mapapalakas ng PTA ang kanilang tsansang makapagpadala ng apat na atleta sa 2016 Rio Olympics.

“Of course, I want four (qualified jins) maximum,” wika ni PTA chief executive officer Sung Chon Hong. sa higit-kumulang sa 400 jins at team officials mula sa Asya na makikipag-agawan para sa 16 tiket sa 2016 Olympiad.

Aminado si Hong na mahihirapan ang mga Pinoy jins na makipagsaba­yan sa mga foreign athletes sa naturang qualifiers.

“Well, it’s 50-50 (chance) because this is a tough tournament, that’s why I’m hosting it.  I hope to get four, if not, maybe three,” wika ni Hong sa pag­pili ng PTA sa apat na Olympic aspirants mula sa kanilang national pool.

“All our athletes are very qualified but then it also depends on the luck of draw,” sabi ni Hong.

Ang 2016 qualifiers ay maaaring gawin ng PTA sa Grand Ball Room ng Marriott Hotel Manila at sa Cuneta Astrodome bilang possible venue.

Ang Asian Olympic Qualifiers ang una sa tatlong torneo na pamamahalaan ng PTA sa loob ng limang araw. Matapos ito ay idaraos naman nila ang Asian Taekwondo Cham­pionships at ang Asian Para Taekwondo Championships.

Sa debut ng taekwondo event sa Olympics noong 2000 ay isinabak ng PTA sina Roberto Cruz, Donnie Geisler, Eva Ditan at Jasmine Strachan matapos ang disenteng pagtatapos sa Asian qualifiers na pinamahalaan ng bansa noong 1999 sa Ninoy Aquino Stadium.

Muling lumaro si Geisler sa Olympics noong 2004 kasama sina Tshomlee Go at Toni Rivero at nagbalik sina Go at Rivero sa quadrennial event noong 2008.

Wala namang Pinoy na naisabak sa London Games dahil idinaos ang qualifying meet isang linggo matapos ang 2011 Southeast Asian Games.

ACIRC

ANG

ANG ASIAN OLYMPIC QUALIFIERS

ASIAN OLYMPIC QUALIFICATION TOURNAMENT

ASIAN PARA TAEKWONDO CHAMPIONSHIPS

ASIAN TAEKWONDO CHAM

CUNETA ASTRODOME

DONNIE GEISLER

EVA DITAN

GRAND BALL ROOM

JASMINE STRACHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with